Monday, August 27, 2012

Happy Birthday Inay!

I cooked something for my mom last 23rd of August because obviously, it's her birthday. 
We're supposed to  have dinner outside pero kasi RV can't be with us that day. Kaya I decided to cook a lil something na lang. Mas masaya kung kumpleto kasi kami dba?







Masarap yan! Swear! Ang sweet ko lang. EVER! >:))

Kanina, August 27, 2012 - we went to Tagaytay to celebrate my mom's birthday. Complete na kami eh. Had brunch in Bag of Beans at Tagaytay. Buffet Style. No left over ang peg ng kainan. If you have left over, you'll pay 100 + the price of what you have eaten. 

I had a glass of lemonade. 3 sausages. Corned beef and a cup of rice.  


Tapos nung tapos ko na din yun kumuha ako mango tart, watermelon at palitaw. HAHAHAHA. 



Choco mousse! Carbs? Oh yes! HAHAHA.


Nung naubos ko na bumalik ako para kumuha ng baked macaroni at pancake. 


L for LUNGAAAAAAAAAAAAAAAD!



Tapos after nun, gumawa ako halo-halo. Haaay. 



Sobrang bigat sa tyan. Busog na usog ako ng literal. Pinipilit ko na lang talaga siya ubusin. Di ko na talaga kaya eh.


My brothers and mom. Happy family aren't we? I love you Inay! :*

Saturday, August 18, 2012

Just being me

They say big things come in small packages.
So I guess, I'm one good example.
I may be funsize but I can do things bigtime.
These eyes, it only see what it wants to see.
Lips that don't tell lies.
The smile I can't fake.
Shoulders you can always lean on.
Heart that only beats for one.
A heart that never hold grudges.
A forgiver it is.
Hands that never let go.
Feet that will never let you walk alone.
am not just a taker.
I'm a giver too.


Thursday, August 9, 2012

Thanks to you

Months ago, I was pleading for you not to leave me. I did reason out why you shouldn't broke up with me. 
I experienced hell being away from you. I never I knew I'd love heaven without you.
I thought my world will stop revolving if you'd leave, Its pace just slows down.
Being happy with you has always been my dream, But I've been happier with everyone I meet.
You are no longer the man of my dreams, 'Coz finally I'm living my reality.



Subaybayan mo kaya ang timeline na ito?

Kanina, nakita ko yung notebook ko na puro doodle nung panahong sobra-sobra ang mga nangyari sa akin. Sobrang nasaktan ako, Sobrang nagmahal ako, Sobrang nagpakatanga ako hanggang sa natutunan ko pakawalan ang taong dahilan sa mga sobra na yan. 

Akala ko nalimutan ko na. Hindi pa pala. Kaya ko pang i-kwento. May iba lang detalye na malabo na sa aking ala-ala. 

Halos madaming beses ko na ito naikwento. Hindi ako umiyak. Ni isang luha, walang pumatak. Ngayon kaya? Meron na?

January 31, 2012 - Sabi niya MAHAL KITA PERO DI NA AKO MASAYA. Lahat ng pwede kong sabihin huwag niya lang akong iwan sinabi ko na. Lahat ng pangungumbinse huwag niya lang gawin ang bagay na kinatatakutan ko, ginawa ko na. Dinasal ko pa kay Lord "Enlighten his mind and heart." Pero parang wala. Ayoko na mag-makaawa pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

February 1, 2012 - Medyo napapagod na ko sa pangungumbinse. Siya yung tipo ng taong pag ayaw ayaw. Di na siya madaan sa lambing. Di na siya madaan sa pakiusap. Tinanong ko siya kung seryoso siya sa pag-ayaw sa akin. Sinabi ko pang huling tanong ko na yun at kung ano man ang isasagot niya, yun na. Kaso sinagot niya ang tanong ko ng tanong din. Ayun, bumaligtad na naman ang mundo ko. Ramdam kong ayaw niya na talaga pero mahal ko talaga eh.

February 2, 2012 - Buong araw ko siya kausap. At mukhang may pakelam pa naman siya. May konting pag-asa akong naramdaman at dinasal kong sana ay magtuloy-tuloy na.

February 3, 2012 - Sabi niya, Ayokong magkita tayo. Ayaw ko magbati tayo. 

February 7, 2012 - Interview ko. Ilang araw ng di kami nag-uusap. Pumayag na kasi ako sa gusto niyang mangyari. Pero di ko kinaya ang mga araw na yun. Kinontak ko siya. Sabi ko magkita kami. Dami niyang dahilan. Pero di kalaunan, pumayag din siya. Sa Rob Galleria sana kami magkikita kaso papunta na daw sila SM North. Nagmadali ako pumunta kasi ayaw niya daw mag-intay. Nung nasa SM North na, para akong nakikipagusap sa isang estranghero. Gusto kong hawakan ang kamay niya kaso nararamdaman kong hindi niya hahawakan pabalik ang akin. Pasalamat daw ako sa mga kaibigan niya dahil kung hindi dahil sa kanila hindi kami magkakausap ngayon. Nag-usap kami. "Di na ko masaya. May iba na akong gusto. Gusto ko mambabae. Gusto ko malaman kung marunong pa ako. Kung di ako sumaya, babalik ako." Yang mga katagang yan ang di ko makakalimutan na sinabi niya sa akin. Lahat ng tinatago niya sa akin, sinasabi niya. Kesyo, babae niya si ganto si ganyan. Lumabas lahat ng kasinungalingan niya, pero di ko pinansin. Pinipiit ko ang gusto ko. AYUSIN NATIN TO. SUBUKAN NATIN ULE. KUNG WALA MANGYARI, DI NA KITA PIPILITIN. Sabi ko pa, MAGBABAGO NA KO. SUSUNDIN NA KITA LAGI. SA'YO NA ANG ORAS. KASALANAN KO KUNG BAKIT KA NAGING GANYAN. KUNG DI AKO NAGING BUSY, DI TAYO GANTO NGAYON. Yan ang paulit-ulit ko sinasabi sa kanya. Pinipilit kong kasalanan ko kasi feeling ko talaga kasalanan ko eh. Pumayag din siya nung huli. Bago umuwi, kasama kaibigan niya, kung ano ano sinasabi nito. Pano daw pag nakabuntis si JNVQ. Mahal ko pa din ba daw siya. Ano daw gagawin ko. Sabi ko OKAY LANG MAHAL KO EH. Nanuod pa kami ng imax nung araw na to. Umuwi akong may ngiti sa aking mga labi.

February 13, 2012 - Lab kita pero ayoko na maayos to. -JNVQ

February 14, 2012 - Magkasama namin sinelebrate ang Valentines Day. Sa MOA. After MOA, pumunta kami school kasi may exam daw siya. Kung anu-ano narinig ko. Di ko pinansin kasi alam kong hindi totoo. Kasi sa kanya lang ako naniniwala.

February 15, 2012 - Magkasama ulit kami.

Araw araw mula nung napagkasunduan namin na susubukan ang aming relasyon, sobrang hirap. Ang sakit sa puso. Ang sweet ko. Ang lamya niya. Ni love you too di niya masabi. Ang sweet ko sa wall niya. Pero parang wala lang. Sabi niya pa, "DI MO PANSIN AYOKO NA MAG FB KASI PURO IKAW LAMAN NG WALL KO?" Mula nun, di ko na inaraw-araw ang pag-post sa wall niya. Nag-a-out ako ng maaga sa office tuwing TTH para puntahan siya sa school kasi gusto ko nga maayos ang amin. Magmamadali ako, makikisiksik sa bus tuwing rush hour kasi ayaw niya nga ng nag-iintay. Aabsent sa office magkita lang kami. 

February 19, 2012 - 47th monthsary today. I made a video para sa kanya. Runaway ang kanta. Lagi niya kasi kinakanta eh. Kaya yun ang ginawa kong background music.

February 20, 2012 - Absent ako. Nanuod kme movie. Post celebration ng monthsary.

February 22, 2012 - Nagtext kaibigan ko. Tinanong kung kami pa daw. Kamusta daw kami. Asan daw ako. May sasabihin daw siya. Wag daw ako iiyak. Nun pa lang tumulo na ang luha sa mga mata ko. Hanggang sa hindi ko na ito mapigilan. Tuloy tuloy na itong tumulo sa aking mga mata. Pinilit ko siya sabihin sa akin pero ayaw niya talaga. Hanggang sa sinabi niya na din. Nakita daw nila si JNVQ sa underpass sa Lawton may kasamang babae. Gabi. Matangkad. Hagulgol ako sa opisina. Di ko alam ang gagawin ko. Dumeretso ako sa cr. Di ko sinabi kay JNVQ na may nalaman ako. Gusto ko pag magkaharap na kami tsaka ko siya tatanungin. Alam kong di ko kaya pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko kayanin. Tinext ko siya, gusto ko makipagkita. Gumawa ako ng dahilan pero ayaw niya talaga. Di ko na pinilit. 

February 25, 2012 - Nasa office ako. Nararamdaman ko ng wala ng pupuntahan to. Binuksan ko ang Microsoft Word ng computer ko sa office. Type ako ng type. Madame na pala ako nasusulat. Si-nave ko ito. 

February 26, 2012 - After ko magsimba, nag online ako. Binuksan ko facebook ko. Siya ang laman ng news feed ko. May ni-like siyang picture ng babae, tanong ko "Matangkad ba yan?" "Wow. Pareho kayo initials." Tapos sinabi niya ulit yung mga katagang ayaw ko marinig sa kanya. "AYAW KO NA. DI NA KO MASAYA" "WAG KANG SELFISH BRAD." Tapos "WALA BA SINABI SAYO MGA KAIBIGAN MO?" Nagsinungaling ako. Sabi ko "Wala. Kung ano man nakita nila tanungin ko na lang sila bukas kasi nga magkikita tayo." Sabi ko pa. Tapos yun, ayaw niya na daw talaga. 

Buong puso kong hinayaan siya. Pinalaya ko na siya. Malungkot ako pero walang luhang pumatak nung araw na yun. Walang galet sa puso ko. Dun ko nagamit ang pinagtatype ko sa office.

Alam ko naman sa sarili ko na pinilit ko ayusin. Ginawa ko lahat para maayos. Pero huli na ang pag-eeffort ko. Natulog ako agad. Pinipilit ko ang sarili ko na umiyak, pero wala. Siguro ubos na nung nagmamakaaawa ako sa kanya. 

Mula nung natapos na ang lahat, ni walang kontak ang nangyari. UMASA AKO. Naging taga-subaybay pa ako ng wall niya, timeline niya, blog niya. PERO WALANG TUNGKOL SA AKIN. Lungkot no? Pero lahat ng accounts ko, TUNGKOL SA KANYA.

March 1, 2012 - Na-holdap ako. Sign na siguro 'to ni Lord. Na umiba na ako ng landas. Hindi ko memorize number niyang bago at buti na lang talaga hindi. Alam kong alam niya ang nangyari sa akin, pero ni kahit konting concern wala akong narinig.

March 5, 2012 - Ito yung araw na bi-nlock ko siya sa facebook at twitter ko. Hindi dahil bitter ako. Kundi dahil gusto ko din umusad tulad ng ginagawa niya. Hangga't may nakikita kasi ako alam kong hindi ako magiging okay.  Gumawa din ako ng blog na alam kong hindi niya alam. at alam kong posible niyang malaman at alam kong malalaman niya lang pag okay na ko. Gets niyo?

June 2012, bumisita ako sa Alma Mater ko. Takot ako. Di pa ko handa makita ang lahat. Mga bagay na makakapag-paalala sa kanya. Di pa ko handa makita siya kung andun man siya. Nakakilala ako ng bagong kaibigan. "MATAGAL KO NA SILANG NAKIKITA NI AI SA SCHOOL" sabi niya.

PRESENTLY, unblocked na siya sa facebook at twitter ko. Wala na akong alam na kahit na ano tungkol sa kanya at wala na din naman ako balak alamin pa. Hindi ako bitter. Eh ano naman na sa akin yun diba? Wala ng mababago kung malaman ang mga bagay na dapat kong malaman.

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin itong post na to. Pwede bang ganto na lang? 



Tuesday, August 7, 2012

WooHoo! SMI @ 10.

Our company celebrated its 10th anniversary at The Blue Leaf in McKinley Hills Taguig City yesterday (08.03.12)


As every events program, it started with a Eucharistic Celebration at 6PM then the program proper itself.



My get up for the event. Forever 21 for the dress. Parisian for the shoes. Leopard shawl was borrowed from a friend. I wasn't really intending to wear shawl but sadly, as everyone says, I need to cover my tattoo at my back. So that leaves me with no choice.

 

They call us "Conyo Girls" because of the way we talk. We are just so glad they have time to talk about us. From Left to Right - Madz. Me. Krishia


Random photos with officemates will be posted. 



Table number and food for tonight. YumYum!


With Ate Minshi and Me.

Me and Anna.

Ma'am Anna and Me.

Tadaaaah! Me and my boss! :)

From left to right: Ma'am Carmi. Ma'am Darlene. Cate. Ma'am Anna. Sir Bryan and Me

Ate Ola and Me.

Me and Sir EPP.

Me and Sir EAM.

Sir RYG and Me.

                                                     SMI Crush #1. Me and Arvin. <3<3

Me and Sir Mark.

Me and Sir Clark.

Andee Ng. Me. Dr. de Guzman and Ma'am Bingky.

Me and Sir LVT.

SMI Crush #2: Me and Michael Galan

They are all amaze. HAHA. So what's happening?

Tadaaah! Years from now, we'll be working there.

Me and Sir LVD.

SMI Crush #3: Ryan and Me. <3<3

Pamela and Me.

Sir Bryan and Me.

Get the party started!




Drinks for us!

Ladies hit the dance floor.





Photos from the photobooth. 

Had a fun filled night. Danced with Mr. LVT in the middle of the dance floor. HAHA. No alcohol intake yet. HAHA. I really had fun.