Monday, September 24, 2012

Dora Loves

Ako si Dora kahapon. Intra to MOA to Espanya. Sarap umalis ng bahay.

8:30AM ng linggo September 23, 2012 dumating na ang sundo ko. Sina Nico, Emman, Henrol at RV. Ang usapan nung gabi, pagdating nila at tulog pa ako, iiwan na nila ako. Nagising ako 6AM sa tawag nila pero hindi naman sila nagsasalita at feeling ko di pa din naman sila nakakaalis sa Cavite kaya natulog ako uli. Eto na nga dumating na sila at ako ay natutulog pa. Akala ko magagalit sila, buti na lang hindi.


Sa may San Diego Gardens, may gwardya sibil na ubod ng bait at binigyan niya kami ng mapa ng Intramuros para maging guide sa aing pag-iikot. 


Kala mo maliligaw eh no? AHAHA. Aaminin ko na, mahina lang talaga ako sa directions. Ang ganda lang diyan sa lugar na yan. Autumn na autumn ang datingan. 


Ang sunod naming pinuntahan ay ang Balarte San Diego. Ang tawag ko talaga sa makikita mo diyan eh "MAZE" Eh mukhang maze sa paningin ko eh.



I just love fountains. Gusto ko ng fountain sa bahay ko. Basta fascinated ako sa fountains, ferriswheel, lights, patterns. Tuwang tuwa na ako pag nakakakita ako niyan.


Ang pinaka-cool na kapatid. Yihoo! Salamt sa pagsama mo sa akin sa lakad niyong yan ha? HAHA. Ako na ang sabit na maganda at demanding. Aminin mo, natuwa ka kasi kasama ako.


Sa 4 na taon ko sa Intramuros, tagal kong ginustong makita yang lugar na yan. Kung kelan graduate na ako, bakit ngayon lang kita nakita? Ang saya lang panuorin yung mga taong naglalaro na yan. Kaso wala man lang ako picture sa graffiti. Nakakalungkot. Gusto ko pa naman. :(


Tanghaling tapat na. Napaka-init at pagod na pagod na kami at naglalagkitan na kami. HAHA. Kaya napagpasyahan na namin pumunta sa MOA para mag-lunch.


Sa Julie's ihaw-ihaw kami kumaen. Nahirapan ako paghiwalayin ang gulay sa pansit. Sermon ang inabot ko sa kanilang lahat. Nakakatuwa. Mas matanda ako sa kanila, pero ako yung nagmumukhang baby sister nila. 

Emman and Me.



I love to play balls. FYI, shooter ako. Na-miss ko maglaro sa arcade. HAHA. It brings back the child in me. Di sila makapaniwala sa score ko eh. Kaso dko na-beat yung high score. Sayang. Malapit na eh. Pa-practice pa ako next time. 

Eh naka-wedge ako. Eh napagod. HAHAHA


Ako daw yan. HAHA. Totoo? Tse! Nakita namin sa Department Store at natuwa din ako kaya sabi ko pictur-an nila ako. Eh spoiled ako, ayun kinunan nga nila ako.



One of the boys.

 
Look at what my brother gave me! Birthday gift nya daw sa akin. Isn't he the sweetest? He know me so well. September pa lang,, I received something na. Yay! Ang saya ko ng literal.

Past 5PM, umalis na kami sa MOA dahil pupunta kami sa Espanya. Pupuntahan kasi namin yung kapatid ni Nico. Kumaen ng sandwich, nagdaldalan at nagtawanan ng kaunti. Mga 7PM, umalis na kami ng condo. Pagdating namin sa sasakyan, naiwan yung susi sa loob. Di kami makapasok. Naghanap kami ng mekaniko na sa palagay namin ay makakatulong sa amin - kaso wala siyang nagawa. Naghanap kami ng isa pa. Pumunta kami sa tambayan ng bus driver na malapit dun sa lugar at dun na kami nagtanong. Buti na lang merong may alam. Wew. 10PM na kami nakaalis ng Espanya at naligaw pa kami. 

Mag-Tagaytay sana kami kaso gabi na at ayaw nila ko umuwi mag-isa. 

It was a happy day indeed!

No comments:

Post a Comment