Wednesday, December 26, 2012

Okay na nga kaya?

Bigla ka na lang namin napagusapan kahapon.
Natawa sila sa kwento ko.
Puro masasaya kasi ang lumabas sa bibig ko.
Masisisi mo ba ako?
Yun kasi ang naalala ko.
Bigla nila nasabi na okay na daw ako.
Sa unang pagkakataon, sinabi nila yun.
Napaisip tuloy ako,
Okay na nga kaya ako?
Kaya ko na kaya ang makita ka?
Kaya ko na kaya ang makausap ka?
Pero bakit natatakot ako?
Bakit may pangamba pa din sa dibdib ko?
Pero baka nga.
Baka nga tama sila.

No comments:

Post a Comment