Saturday, December 15, 2012

Chill lang

I've been thinking and I keep on asking myself "Anong mali sa akin? Panget ba ko? Bakit lagi na lang akong nasasaktan?" Bukod sa fact na I am so not confident being me. I have lots of insecurities and all that. Normal na sa akin yun eh. Yung kahit na anong convince ko sa sarili ko na I LOVE MYSELF. I LOVED MYSELF ENOUGH AND BEEN THINKING THAT I AM NOW READY TO SHARE IT pero bakit parang wala yung taong dapat kong share-an nung love na yun?

Nung mga araw na di ko naman dinadasal, dumating. Ngayong medyo sinasama ko na yun sa dasal ko, tsaka naman wala. Tsaka naman ako nakakaramdam ng sakit na in the first place wala naman dapat. How ironic huh? I am not desperate, I just feel alone at hindi ako sa sanay sa gantong feeling.

I used to get what I want. I do everything to get it. Ngayong taon ko lang na-realize na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko. Kahit anong gawin at pilit ko kung hindi naman talaga para sa akin, wala na kong magagawa kundi tanggapin.

Sa unang pagkakataon, ni-let go ko ang taong naging mahaba at malaking parte ng buhay ko. Sa pangalawang pagkakataon, (at dinadasal ko na sana ito na ang huli) kelangan wag ko na pansinin itong nararamdaman ko para sa isang tao na malabong maging akin kahit kelan. Ang saklap no? We always want those we can't have.

How would I do that? Lahat ng sweet words sinabi nya na. A for effort ang peg niya. He love his family that much. Engr pa. Kung tutuusin, complete package na nga eh. Kaso hanggang dun lang yata talaga kami. Nothing more nothing less. Ang hirap lang. Isa ka sa dahilan ng pag-usad ko noon, pero ikaw na ang dahilan kung bakit ako nalulugmok ngayon.

Hindi ko na mamadaliin ang lahat. Pipilitin ko. Hindi ko na kukuwestyunin ang sarili ko. Hindi ko na kukwestyunin ang mga plano niya. Walang mali sa akin. I'll stop myself for feeling this way. Lahat ng sakit na to, sobrang sobrang pagmamahal ang kapalit, umaapaw pa. Hindi man ngayon, pero soon. 

Like what my friends keep on telling me, CHILL KA LANG KASI.



No comments:

Post a Comment