Tuesday, March 27, 2012

Huli na


Wala naman kasi ako napapala sa kagagahang ginagawa ko eh. Sarili ko lang napeperwisyo. Paulit-ulit lang ang hinaing ko pero di ko naman magawang resolbahin. Na-stuck na ko sa level 1 ikaw patapos mo na ang misyon. 

Inisip kong magpakamatay na lang pero ang PATHETIC. Inisip ko magpahula para sana alam ko na kahihinatnan ng buhay ko pero ayaw ko pangunahan ang tadhana. Magisa kong tinatahak ang landas na dapat kasama kita. PUTANGINA NORMAN SAN AKO NAGKULANG? Alam ng buong mundo lahat ng ginawa ko para sa'yo at lahat ng gagawin ko para sa'yo. Sana naisip mo, AKO LANG ANG MAY KAYANG GAWIN YUN! 

Ilang beses kong sinabing AYAW KO NA. AYAW KO NA TALAGA. ANG SAKIT SAKIT NA. PERO ANONG GINAGAWA KO? Eto, nagpapakatanga at umaasa na babalik ka. Punyeta! Bawat lingon ko may alaala ka, nating dalawa. Hindi ko nga alam kung pano mo nagagawang umarte ng ganyan eh, na parang wala lang. Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at ganto na lang ang epekto mo sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa ating halos 4 na taon na pagsasama na hindi ko magawang kalimutan. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi mawari ng utak ko kung paano mo nagawa yan at ganon mo na lang kabilis tinapon ang lahat. Hindi mo ba alam na parang sinampal ako kaliwa't kanan sa ginawa mo? Buong pagkatao ko kinuha mo na sa 4 na taon na yun, hanggang sa pag iwan mo sa akin WALA KANG TINIRA. 

Ngayon hirap na hirap ako magumpisa ulit dahil wala ng natira sa sarili ko. Lahat binigay ko sa'yo. So ibig sabihin ba nyan sa 4 na taon na yun, nagkalokohan lang tayo? Ako lang ang nagmamahal? 

Wag daw kita i-judge agad. Baka daw nasaktan ka din. Baka nag struggle ka din sometime. Pero PUTA kelan yun? O struggle kuno kaya ayun nambabae ka?

Ilang beses ko man sabihin sa sarili ko na masaya ako kasi masaya ka, NAKAKAGAGO! Selfish na kung selfish pero wala kang karapatan sumaya brader! Siguro meron pero hindi pa ngayon.

Isa lang talaga ang gusto kong sabihin sa'yo eh.

"I'll live my life the way it has to be. Whether it includes you or not." 

No comments:

Post a Comment