Friday, May 11, 2012

Ikalima ng Mayo sa taong 2012

Nagising ako ng mga past 10AM. Nakalimutan ko may lakad nga pala ako ng ganong oras. Ako si panic. Haha. Pagtingin ko sa cellphone ko, nagtext ang kakatagpuin ko at sinasabing 12noon na lang daw kami magkita. So ayun nga. Humilata pa ako sa aking kama at nag-internet pa.

Malapit na mag alas dose nasa bahay pa ako. Nagmadali ako. Ang bilis ng kilos ko. Ako si Dora ngayong araw na to. Sasama ka ba?

Sa SM Sucat ang usapan naming magkita. Sa Starbucks to be specific. Kaso yung nasakyan kong jeep sa kabilang building ako ibinaba. Kaya ayun, naglakad ako papunta sa kabilang building. Haay. Kapagooood. 

At nagkita na nga kami. Naiilang talaga ako sa kanya eh. Matapos ng ginawa ko sa kanya kapal ng mukha ko magpakita. Haha. Pero okay naman na kami. Kumain kami sa Greenwich. Nagkwentuhan. Nagtawanan.

Sinama niya ako sa kanila kasi may ibibigay siya sa akin at ako din sa kanya. Kaliwaan kumbaga. Haha. Laking gulat ko ng litrato ng pinsan ko ang bumungad sa akin. Haha. Ang kinita ko ay ang mahal ng aking mahal na pinsan. Kumain kami ng isaw. Uminom ng Dew. Yung basketball court nila, ANG GANDA. Di ko nga akalain na court pala yun eh. 

Umuwi na ako. Sa Baclaran ang daan ng jeep na sinakyan ko. Sa simbahan ako bumaba para sana shortcut PERO pumasok ako sa simabahan at nagsimba. Alam niyo ba kung ano ang dinasal ko? 


Oo. Yan ang dinasal ko. After ko magdasal, lumarga na ako.

5PM na yata ako nakarating ng bahay. Nagtext ang aking kaibigan na magkita kami sa Pedro Gil dahil birthday ng kanyang bestfriend na crush ko dati. FYI, DATI. Ako daw ang regalo ng kaibigan ko sa matalik niyang kaibigang lalaki. Hahaha. Wala pang limang minuto, umalis na naman ako ng bahay. HAHA.

Eto na nga, nasa jeep na kami pa-Tayuman. Naligaw pa kami. Haha. Mali pa kami ng nababaan. Sa kabilang street pa pala sila. Buti na lang naisipan niyang mgtanong kina Kuya Trike Driver na tambay sa daan. Haha. Tapos tinahak namin ang daan na sinabi nila at nakita na kami ng sundo namin. Haha.

Nasa loob na kami ng bahay. Bumati ng "Happy Birthday!" Usapan 8PM uwi na kami. Akala namin may ibang bisita pang hinihintay. Yun pala kami lang ang bisita. HAHA. Kwentuhan. Asaran. Tawanan. 

The birthday boy!
Walang humpay na pang-aasar ang inabot ko sa mga tao sa paligid. Haha. Lalo na sa kanya. Haha. Lande mo eh no? Hahaha. Tapos may dumating na isa niyang kaibigang lalaki at may pagtingin daw sa akin. (Agad agad??) HAHA. Kaya ayun, inasar ako ng inasar ng birthday boy. Haha. 

2AM na nung binalak naming umuwi. Pero bago yun, Eto muna. Haha. Yung kasama ko kasi, may tama na. Ayan tuloy.


Hinatid kami pauwi ni Alvin at Owen. Libre na naman ni Alvin. Haha. Saya ng birthday mo Owen no? Haha. Chx na kasama mo. Libre pa handa mo. Hahaha.

No comments:

Post a Comment