Tuesday, May 8, 2012

TATTOO

Mula pa noon, na-a-amaze ako sa mga may tattoo sa katawan at minsan sinabi ko sa aking sarili "GUSTO KO DIN NUN" Hindi ko alam kung bakit at kung anong dahilan, BASTA GUSTO KO. Hindi naman kelangan lahat ng bagay may dahilan hindi ba?

Kanina, habang nagtatrabaho ako sa opisina. Nilapitan ako ng kaibigan ko at nagtanong kung may alam o kakilala ba ko na nagpa-tat o nagta-tattoo. Sabi ko "OO" (kasi meron naman talaga) Gustong gusto niya daw kasi. Sabi ko "edi GO!" Kaso daw wala siyang kasama. At inaya niya ako. "Sabi ko Sige, Samahan kita." Sabi niya "pa-tat ka din." Sabi ko "Bahala na"

Ang dami ko kasing gustong tattoo na ipalagay sa katawan ko eh. Siyempre ayoko magsisi sa huli. Kelangan yung bet na bet ko na kasi FOREVER NANG NAKAMARKA SA KATAWAN MO YUN EH. Ayoko nung sobrang pa-girl. Di ako yung ganong tipo eh. Ayoko ng sobra sa tribal. Ayoko ng O.A na tat. Yung sakto lang. I'll give you some of my choices. (Yung iba walang picture, kasi naisip ko lang talaga)


Kahit hindi ganyang-ganyan, BASTA ANCHOR. Seaman tatay ko. Seaman mga tito ko. Though di kami close ng tatay ko, gusto ko ng anchor. Parang yan kasi yung kaisa-isang bagay na makakapag-paalala sa akin sa tatay ko.


Tiger sana. Kasi sobraaaaang fascinated ako sa kanila. I even want to have a tiger at home. Gagawin kong pet. HAHA. Kaso wala akong makitang tiger na ganyan. Eh pusa naman yan, they belong naman sa isang family kaya pwede na din. Pero sana kaya gawing tiger yan. HAHA


Minus the bird. Balak ko sa may wrist. Or ribbon na lang? Hmm. Wrist kasi andun pulso eh. Buhay. Dba? I survived this so called LIFE. O kaya ribbon kasi LIFE IS A GIFT. Dame ko ba alam? Palawakin din kasi imagination. HAHA. 


Sa may batok! HAHA. Tapos obliged ako mag pony everyday dahil diyan. HAHA. Pero bet na bet ko yan. Hahaha. San maganda ilagay? HEEELP!


Stilleto na tat. Oh yeeees! Kahit hindi ganyan. Feeling ko yan ang magiging first tat ko. HAHA. I am such a stilleto lover eh. Pero parang mas maganda kung silhouette lang. Sa palagay mo? Tama ba ko? Kaso parang walang dating pag ganon lang. Hmm. San maganda ilagay? 

Last na gusto ko. "TAKE TIME" na lettering. Yung simpleng lettering lang. Sa balikat ko ipapalagay. Pwede no?

Lahat yaaaaaan gusto ko. IN TIME. Haha. Ayoko mag-mukhang walking mural sa dami ng nakamarka sa katawan. HAHA. Eh basta gusto ko. 

No comments:

Post a Comment