Friday, May 4, 2012

Nagmahal lang

Buong araw akong nasa bahay ngayon. Umabsent ako sa work kasi na-late ako ng gising. PERO hindi lang yun, NILALAGNAT AKO. Kahapon pa ako nagrereklamo sa sobrang sakit ng ulo ko. Siguro dahil late na ko umuwi bago yung araw kahapon. Kaya nag-out ako maaga office yesterday kaso hindi ako dumeretso paguwi kasi nagkita pa kami ng aking kaibigang si Janna. Inikot namin ang SM at Glorietta. After mag-ikot, umuwi na din ako. Sad to say, naabutan ako ng ulan kagabi. At umuwi akong basang basa sa ulan. 

Di ko naman akalain na lalagnatin ako eh. Nagpahinga ako. Buong araw ako nakahilata sa kama. Nung medyo okay okay na pakiramdam ko at di na gaano ka-sakit ang ulo ko, tiningnan ko ang wordpress account ko. Nagbasa ako. Binasa ko lahat ng posts ko. Mula sa pinaka-recent hanggang sa pinakalumang/pinaka-unang blog entry ko dito. Di naman ganun kadami ang posts ko dito pero lahat puro, pagsuko, puro pag-ayaw, puro sakit ang mababasa mo. Makakabasa ka naman ng sweet nothings ko pero BILANG lang. As in literal na bilang. 

Yung ibang entry, di ko matandaan ang dahilan. Pinipilit kong alalahanin pero di ko talaga maalala. Habang binabasa ko, bawat salita na laman nun damang dama ko eh. Ang tapang kong sabihin na "ayaw ko na", "sobra na", "ang sakit na" pero yung feeling na alam mong hindi ka hahabulin nung tao, nagpapaka-weak ka na naman. SAKLAP EH. 

Feeling ko ngayon, sa mga panahong yun NAWALA ANG WORTH KO BILANG BABAE. Totoo. Walang halong biro. Yung ikaw ang hahabol-habol sa kanya. Susuyuin mo. Kukulit-kulitin mo siya bumalik lang siya sa'yo. Ipapaalala mo sa kanya lahat ng pinagdaanan niyo, lahat ng rason sasabihin mo sa kanya wag ka lang niyang tuluyang iwan. Gagawin lahat ng gusto niya bumalik lang siya. Lahat yan ginawa ko. Kaya siguro kami umabot ng ganon katagal. Ginawa ko yan kasi mahal ko yung tao. Kasi ako may kasalanan kung bakit siya naging ganyan. Willing akong gawin lahat kahit bumaba na tingin sa akin ng ibang tao wag lang mawala ang mundo ko.

Stop judging! Hindi naman talaga ako tanga eh. Sige, idadahilan ko uli na NAGMAHAL LANG AKO pero yun talaga ang totoo. Pag nagmamahal ka di naman maiiwasan ang hindi magpaka-tanga eh. Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na hindi na mangyayari sa akin ang ganyang sitwasyon, di ko natutupad. Kasi pag nagmahal talaga ako, BUONG BUO, LAHAT LAHAT. Di ko alam, when will I ever learn. 

No comments:

Post a Comment