Friday, May 4, 2012

Sinayang mo

Ginawa ko naman lahat hindi ba? Binigay ko naman lahat hindi ba? Minahal naman kita ng sobra hindi ba? Sinuportahan kita sa lahat ng bagay na gusto mo, na makakapagpasaya sayo. Hindi ba? Alam ko naman hindi ako perpektong girlfriend eh. Nakakagawa ako ng mali. Natural ng matigas ang ulo ko. Di ako nakakatupad ng promise. Walang isang salita. Pero alam mong sa bawat mali ko bumabawi ako sa'yo. Alam kong nakakasawa ang sorry ko. Pero alam mo naman na ikaw lang mahal ko. Ikaw lang minahal ko ng ganto. Sa'yo lang ako nagpakatanga ng ganto. Ikaw ang ginawa kong mundo. Kaya di ko talaga maisip kung anong dahilan mo para ayawan ang taong tulad ko. Ang swerte mo na nga eh. Hawak mo na. Nasa palad mo na, pinakawalan mo pa. 


PS.
Hindi ko alam kung bakit nagsusulat pa ako ng tungkol sa'yo. Sorry ha? Naalala ko lang lahat kung gaano kita ka-mahal nung binasa ko ang blog posts ko sa old blog ko. I can't promise you na this would be the last time na ikaw ang topic dito, pero pipilitin ko.

No comments:

Post a Comment