Sunday, June 17, 2012

Buti na lang nag-krus landas namin

Yung taong ikaw ang dahilan sa paggising niya sa umaga. Yung taong sasabihin sayo "ang ganda mo" kahit kagigising mo lang. Yung taong sasabihin sayo "ang sexy mo" kahit kita na bilbil mo. Yung taong pipilling maulanan kesa mabasa ka. Yung taong aalalayan ka sa pagbaba ng hagdan o kahit sa simpleng paglalakad kasi alam niyang lampa ka. Yung taong hihintayin ka kahit ilang oras maihatid ka lang pauwi. Yung taong hindi na natingin sa iba kasi nasa buhay ka na niya. Yung taong kaya kang ipagtanggol sa kahit na kanino. Yung taong matapang at maangas pero pag ikaw na kasama tumitiklop bigla. Yung taong never narindi sa mga hinaing mo sa buhay. Yung taong willing magmukhang tanga, ngumiti ka lang. Yung taong tanggap ka kahit saksakan ka ng arte. Yung taong kahit kayo na, araw araw ka pa din nililigawan. 

No comments:

Post a Comment