Monday, June 11, 2012

Serendipity + Breaking Free = DREAM COME TRUE FOR ME


Got myself inked last Saturday (June 09, 2011) not just once but twice. HAHA. :)) Para kasi isang sakitan lang diba? At para pantay ang sakit na pwedeng maramdaman ng likod ko. :)

Sa San Dionisio, sa bahay ng aking kaibigang si BJ. Pinsan niya ang nag-tattoo sa akin. Buong araw ng Sabado, di ako mapakali dahil sa yugtong ito ng buhay ko. HAHA. Sa bahay nila ako tina-tattoo-an. Ang dami kong audience. Tinatakot nila akong lahat. Masakit daw. Dudugo daw. Muntik na ngang magbago ang isip ko at umuwi na lang ako. Pero sabi ko sa sarili ko, KAYA KO TO!


SERENDIPITY - Finding something good without looking for it. Fate. 

The moment na nakita ko ang term na yan, na-in love ako agad. Nung mga panahong yun kasi may biglang dumating sa buhay ko na di ko inaasahang magiging maganda ang purpose niya. Yung tipong di mo iniisip ang mga bagay bagay pero bigla na lang siya dadating sa buhay mo to prove you wrong. Kaya yun!

Finished Product. :)

A PART OF ME WANTS TO BREAK FREE.

Mataas ang expectations sa akin ng mga tao sa paligid ko. Minsan nagsasawa at napapgod na ako i-please sila. Minsan gusto ko ako naman. Sarili ko naman. Yung ako naman ang sasaya kasi gusto ko tong ginagawa ko hindi dahil napipilitan lang ako. 

Finished Product #2
Ito na ang huling beses na i-didisappoint ko ang nanay ko. Natatakot ako pag nalaman niya tong ginawa ko sa katawan ko. Pero masaya ako. Sobrang saya ko. Nagagawa ko na isa-isa ang gusto ko, ang minsang akala ko pangarap lang.


Yung feeling na di mo maintindihan kung paanong pwesto ang gagawin mo kasi ngawit ka na sa pagkakaupo mo. Yung feeling na dalawang kanta lang ang pinapakinggan mo sa ipod habang ginaganyan ang likuran mo. Oh btw, Booty Work at Hanging by a moment lang pinapakinggan ko. HAHA. Paulit-ulit-ulit-ulit. HAHA 

Yung feeling na habang ginagawa yan, nakakatulog pa ako. Akala ko iiyak ako. Akala ko sisigaw ako sa sakit. Akala ko dudugo ng sobra. Pero nagkamali ako. I'm not bragging na ang tapang ko at ang lakas ng loob ko, sinasabi ko lang ang naramdaman ko nung mga panahong iyon. Ang sarap. Parang kinikiliti ka lang. HAHA

Yung feeling na lalapat sa iyong balat ang karayom, ANG SARAP. Gusto ko pa umisa. Uulit pa ako. This will not be the last. :) Totoo pala ang sinasabi nila, hahanap-hanapin mo ang pakiramdam na iyon. 

I just found the perfect formula for me. SERENDIPITY + BREAKING FREE = DREAM LIFE

No comments:

Post a Comment