Ang taas ng
expectations ko sa lahat ng bagay. Sabi nila “Wag na wag ka mageexpect, iwas sakit na din sa huli.” Paano mo maiiwasan mag expect kung sa buong
buhay mo ito na ang bubuo sa pangarap mo? Paano kung lumaki ka sa pamilyang ang
taas ng expectations sa iyo? Paano kung nasanay ka na sa expectations ng mga
tao sa paligid mo? Hindi ba, aasa ka
din? Di maiiwasan yun. Hindi ba? Maaaring malilimitahan pero ang hindi
pagexpect? Aba
teka, ibang usapan na yata yun.
Pagdating sa LOVE,
dito napakataas ng expectations ko. Ito kasi ang alam kong libre pero masarap. Pag ito kasi naramdaman mo, hindi mo iisipin ang sakit na maaari mong
maramdaman kaakibat ng mapanlinlang na pakiramdam na ito. Hindi naman
siguro ako nagiisa. Hindi ba? Bakit nga ba nagagawa natin magexpect sa love?
Nilista ko ang mga dahilan. Ito ay base sa aking karanasan.
(1) Disney.
90’s kid ako. Usong uso ang Disney noon. Sa mga palabas nila, puro masaya ang
tema dahil na din sa target audience nila na mga bata tulad natin.
(2) Fairy
Tales. These were my sleeping pills when I was young. Hanggang ngayon
nga nakatago pa din ang mga fairy tale books ko eh. Lahat naman tayo diba? Ito
siguro ang favorite toy natin nung mga bata tayo bukod sa “barbie”. Dba girls?
Lumawak ang imagination natin dahil dito. Pinangarap natin maging prinsesa at makita
si “Prince Charming” na kahit kalabanin ang dragon, gagawin niya
makasama/maligtas tayo. Dito tayo una naniwala sa mga katagang “Happily Ever
After”
(3) Romance
Movies. Puro “made believe” ang istorya. Sa bagay, kung ako din naman
gagawa ng pelikula, sisiguraduhin kong maganda ang ending kasi ito na nga lang
ang stress reliever ng mga tao eh. Aalisin ko pa bas a kanila yun? Pero kung
broken hearted ka, tapos manunuod ka nito, aasa ka talaga na sana ganoon din ang maging ending niyo. Hindi
mo maiiwasan na gumawa din ng sariling pelikula sa utak mo na ikaw ang bidang
karakter. Ikaw na ang gaganap na direktor at ang writer mangyari lang ang
inaasahan mo.
(4) Fatherly
love. Ito na siguro ang pinaka realistic na dahilan. At ito na din
marahil ang huling dahilan na maililista ko dito. Lumaki akong hindi ko ito
naramdaman. Pero hindi ko sinisisi ang tatay ko kung bakit ako ganto. Kaya ang
swerte mo kung naranasan mo ito. Pero alam kong mas mataas expectations mo kung
naramdaman mo yan. Alam ko. Ako ngang hindi nakaranas, napakataas na ng
expectations. Ikaw pa kaya? Silla yung taong walang takot iparamdam sa atin
kung gaano nila tayo kamahal. Mga taong willing mag sakripisyo para sa atin.
Sila yung ayaw na ayaw tayong nakikitang masasaktan. Ayaw makakita ni isang
patak ng luha sa ating mga mata. Ang mga tatay natin ang gumaganap na “Prince
Charming” sa totoong buhay eh. Nagiging hari lang sila pag dumating na ang
nakatakdang “Prince Charming” para sa atin.
Sa totoo lang, di
ko talaga naisip yung 4th reason na yan eh. May nakapagsabi lang sa
akin na kung bakit ako ganto ay dahil never kong naranasan ang pagmamahal ng
isang ama. Na uhaw na uhaw akong maramdaman yun. Ayaw ko man aminin sa
sarili ko na tama siya, pero kasi yun ang totoo.
May sari sarili
tayong dahilan. Meron at merong makakapansin ng kulang sa atin. Ano ba naman
kung tanggapin na lang natin. Hindi ba? Ikaw? Ano ang mga rason mo? Bakit ka
nageexpect?
No comments:
Post a Comment