Monday, April 9, 2012

Mending a broken Heart


I’m no master in this thing. To tell you frankly, I’m still in a process of healing. It’s been what, hmm… 1 month, 1 week and 8 days since my first heart break. Oh yes! I’ll consider this my first heart break. I never knew it would be devastating as this. I feel like crap and useless. This feeling is tragic. The pain, it’s killing every part of my body. Call me “Over Acting” but, it’s damn TRUE!

Nagulat at natawa ako nung nakita kong 1 month pa lang pala ang nakakalipas. Napakabagal umusad ng panahon. I felt ‘twas ages! But I am super proud for myself. 1 month of not talking to your supposed to be lifetime partner, no news about him, it’s HEARTBREAKING. Pero nakakaya ko gamit ang sarili kong mga paa hindi dahil may kahawak kamay ako. Nakakaproud diba?

I’ll be giving you reality tips right? Yung makatotohanang tips at makatotohanang dahilan kung bakit kailangan mo ito gawin.

(1)  Cry. It’s not a sign of weakness. Sige lang. Iiyak mo yan. Bukas makalawa, mapapagod at magsasawa ka din tapos titigil ka na. YEEEY!

(2)  No connections allowed. Delete/Block him in all social accounts you have. Help yourself a little dear. Blocking him is the first step to moving on. You just gave yourself a favor. Kung immune ka na masaktan, edi parusahan mo pa lalo sarili mo sa maaari mong makita mo wall nya, sa timeline nya o sa dashboard nya. Pero kung gusto mo talaga mag move on, gawin mo to. Napakasimple pero swabeng swabe ang pakiramdam sa huli.

(3)  A small amount of bitterness is healthy. Wag ka mahiya kung bitter ka. Nasaktan ka eh. Natural na yan after break ups. Diyan kasi natin nailalabas ang sakit na naranasan natin eh at kadalasan tuwa na din kasi alam nating ginawa naman natin ang lahat hindi ba? Minsan dito pa tayo nagigising sa katotohanan at sasabihin na lang natin “Buti na lang natapos na” Pero please lang, DI USO ANG BITTER FOREVER. TATAWANAN KA NIYA. SWEEEAR!

(4)  New blog. If you have an existing blog, pero alam niya, (PAST MO) try making a new one. Dito mo ilabas ang hinaing mo. Wag sa facebook o twitter o tumblr, baka ibalita sa kanya eh. Ayaw mong makita ka nilang nasasaktan diba? Eh dito safe ka.

(5)  Be with FRIENDS. Minsan talaga nagsasawa na sila payuhan ka eh. Nakikinig ka nga di mo naman iniintindi. Magkaiba yun. Kung may masabi man sila, para sayo yun. Nang magising ka na sa kahibangan mo. Gumising ka kapatid! Niloko/iniwan ka na, tama na! Wag kang TANGA.

(6)  Shoooooot! OO! ALAAAAAAAK! Makakalimot ka kahit pano. Sa saliw ng musika sa bar, tawanan sa paligid. Kelangan mo yan. Wag ka magmukmok sa sulok ng kwarto mo at mag emo. Umuwi ka ng umaga pero wag ka magpakawasted. Hindi yan maganda. Make new friends. Socialize. Buksan mo ang pinto ng mundo mo. Silip ka at lumabas ka, baka magustuhan mo. Sasaya ka dito kapatid.

(7)  Say no to love songs and to “YOUR SONGS”. Turn your ipod to shuffle. Pag narinig mo yung kantang makakapagpaalala sa kanya, don’t hesitate to tap “next” Wag ka mag emo sa jeep o habang naglalakad wala ka sa music video. Yung mga pang tugs tugs tugs na songs pakinggan mo. Iupdate mo din playlist mo kasi malamang lahat yan, siya maaalala mo.

(8)  CareLess. Kung may marinig o malaman ka man na balita tungkol sa kanya, WAPAKELS na dapat. Oo, mahirap. Pero pre nakakausad ka na eh. Gusto mo ba ulit magsimula sa simulang simula? Sasayangin mo effort mo sa pag iwas na ginawa mo noon? Sasayangin mo pera na pinanginom mo? Sasayangin mo lahat yun? Magising ka ngaaa! Konyatan kita eh!!!!

(9)  Stop daydreaming. Di naman kasi 24/7 ang mga kaibigan. May oras talaga na magiging magisa ka. Maiisip mo din talaga siya. Pero natural na yan. Naguumpisa ka pa lang eh. Pero ang pagdedaydream na babalik siya kasi mahal ka niya. Na kakausapin ka nya. Hay nakooo! Isipin mo to ah, In the first place, kung mahal ka niyang talaga, di ka nya dapat iniwan at kung magtetext man siya sana noon niya pa ginawa diba? Gumising ka teh! Nahimbing kna yata sa pagkakatulog mo.

(10)       Keep yourself busy. Effective to sa paglimot. Pero wag mo naman abusuhin ang katawan mo kakatrabaho o sa pagka busy mo. Uso magpahinga at matulog.

(11)       Unwind. Punta ka Tagaytay. Laguna. Batangas. Maghanap ka ng bagong view. Makakatulong sa’yo yan. O kung medyo kapos sa budget, magshopping ka sa mall. Isang best stress reliever yan. Engage yourself in a fun filled activity. Yung bago hindi yung may memories kayo.

(12)       Let the good vibes in. Kelangan ma outnumbered ng good vibes ang bad vibes na nararamdaman/nararanasan mo. And let them multiply.

(13)       Smile. Whether you possess that perfect smile or not, SMILE A LOT. Malay mo bang kaharap mo na pala si Mr. Right dba? Sisimangot ka pa ba?

(14)       Feel good about yourself. Magrereflect sa aura mo ang iniisip mo sa sarili mo. Magpaganda ka pero wag mo gawing coloring book ang mukha mo sa kapal ng make up ah? Yung sakto lang.

(15)       Pray. Seek God. Ito ang pinakaimportante sa lahat. Magtiwala ka sa plano niya para sayo. Alam niyang makakayanan mo yan.

Sabi nila the best way is to love yourself first, GIVEN na yun. Pero paano natin mamahalin ang sarili natin kung wasak pa tayo hindi ba? It’s better to pick up the broken pieces first and try to make it whole again. Be the master of our hearts.

Hindi ko sinasabe to para sundin niyo. Na sa inyo naman yan eh. May iba iba tayong coping mechanism sa heartache pero ang determinasyon malagpasan ito, ang pagkakapareho natin. Sana ang mga coping mechanism na ito will bring out the best in us hindi ang ikasisira natin o ng buhay natin.

Good Luck to our journey in mending our hearts. Keep your head up ladies! Kaya natin ‘to! AJA!

No comments:

Post a Comment