Sunday, April 29, 2012

Realization 101

Kahapon, nakapag-post ako sa old blog ko accidentally from my ipod. (Inaaral ko pa kasi ung matagal ng app ng wordpress dun eh) Buburahin ko na din sana yung post na yun from the ipod kaso di ko knows how. 

Kanina, bigla ko naisip buksan at bisitahin ang kauna-unahan kong blog account - ang wordpress. Ilang buwan ko din itong hindi ginalaw man lang kaya ayun di ko mabuksan. Di ko matandaan ang password ko dito. Nung natandaan ko na, ewan ko ba kung bakit I need to invite myself just to view my dashboard. 

Buburahin ko na sana yung post na accidentally kong na-post nang bigla nagbago ang isip ko. Una kong pinuntahan ang Stats. (Dito mo makikita kung gaano kadalas may natingin sa site mo.) Sunod kong tinungo, ang New Post at ito ang pinost ko. Tapos nag log out din ako agad. Tapos naisip ko, kung tao lang ang wordpress, galit na yun sa akin. Kumbaga siya ang naging panyo ko, taga salo sa lahat ng luhang pumatak sa aking mga mata. Siya ang naging cyber bestfriend/diary ko tapos iiwan ko siya. Haha. (Arte ko lang) Siguro sinampal na ko nun kaliwa't kanan dahil sa pag-iwan ko. Haha. Pero nilinaw ko naman sa kanya na bibisitahin ko pa din siya eh. Di na nga lang ganon kadalas tulad nung dati.

Ngayon, wala akong magawa. Naisip kong tingnan ulit ito (Pero hindi na ako nag log in) Binasa ko nasa homepage ko. Pero hindi ko tinatapos. Natatawa ako eh. Naisip ko "Shocks! Ang sweet ko." O kaya "Ay Ba yaaan." at ang mas matindi, tatahimik na lang ako - No comment kumbaga. Dededmahin ang nabasa ko. Tapos close tab na.

Ang saya bumalik sa nakaraan. Ang dami mo napagtatanto. Bigla mo maiisip na ang layo na pala ng narating mo. Na ibang iba ka na sa kung ano ka dati. Na may maganda din palang dulot lahat ng nangyari sa iyo dati. Hindi naman masama lumingon di ba? Ang masama ay kung tatambayan mo pa ang nakaraan. 

No comments:

Post a Comment