Thursday, April 26, 2012

My Mr. Avengers. <3

We watched the movie "The Avengers" last night 04.25.12 at SM Southmall together with a "friend". We watched the 8:30PM schedule. Since we arrived there early as expected, We bought tickets agad kasi walang pila, thinking na baka mamaya mahaba na then kumaen muna kami. Ayy mali. Naki-charge muna siya sa Globe kasi lobat na siya. Tinawanan ko pa siya kasi hindi naman pwede dun mag-charge. Eh pwede naman pala. Ayun, ako'y napahiya. :) 


We ate dinner sa KFC tsaka dun na din siya bumili ng food na kakainin namin sa cinema. Kwento dito. Kwento doon. Non-stop kwento. Wala ngang dead air eh. Tapos nagulat ako when he asked si Kuya Crew ng KFC to take a picture of us. Unang picture, shit face agad. HAHA. 


5 minutes na lang 8:30 na. TAPOS sa kabilang side pa kami ng floor napunta ayun, madali kami sa pagpunta cinema 6. Nagulat ako sa laki ng sinehan pero ang liit ng screen. Di  proportion. 2 hours and ++ minutes ang film. Sa una, BOOOOORING! Luge nga eh sabe ko. Haha. Pero nag-enjoy kami sa mejo pahuli ng part. SOLB!


Past 10 na natapos ang movie. Sarado na ang mall. Hinanap namin ang main entrance kasi dun ako sasakay ng bus na Lawton para makauwi. Ang nakakalungkot lang na part, WALA NG BUS. Wala na akong alam na ibang way para makauwi. Sabi niya sa Alabang na lang daw ako sumakay ng Lawton na bus. Kaya ayun, nagpunta kami Alabang. Tinuro niya sa'kin kung san siya nag OJT kaso nakalimutan niya ituro sa akin ang ATC. 


Eto na. Bumaba na kami ng jeep. Nasa Alabang na kami. Habang patawid, he grabbed my hand. Kala ko bibitawan niya din after pero hindi. :"""> (Pwede kiligin?) Nag over pass kami, sabi ko, "Ganto pala hitsura sa baba." Tapos tawa lang siya. Never been to Alabang kasi. Sorry ha? 


Nag-abang kami bus.Halaaaa. Yung bus na LRT, kakaalis lang. Di ko naabutan. Nag-abang ulit kami. Puro Cubao na bus at Pasay na Jeepneys ang andun. Natakot na ko. Baka hindi ako makauwi. Pero abang pa din kami. Sabi ko pa last na, pag wala mag jeep na ko. Ayaw niya pa kasi ako lang laman ng jeep, mas nakakatakot daw. Ayoko din kasi talaga mag jeep at mag bus na ang baba ko ay Pasay kasi sasakay pa ko jeep pa-Taft. Eh dadaan yun ng Cartimar, NA-TRAUMA na ko dun eh. :( 


Sabi ko sa sarili ko, kelangan ko na makasakay kasi baka wala na siyang masakyan na shuttle. Eh sa Laguna pa siya uwi. :( Nag-suggest ako na mag-taxi na lang ako para mas safe. Ayaw niya kasi uto-uto daw ako. Baka daw utuin lang ako ng driver. Haha. Eh nung wala na talagang choice, yun na talaga last resort eh kaya nag-taxi nko pauwi. 


Tinex niya ko laman ang plate number ng taxi na sinasakyan ko. Tandaan ko daw. Mabaet si kuya taxi driver na nasakyan ko. Ang daldal ko kasi hindi ako sanay mag taxi mag-isa. TAKOT AKO IN SHORT. Sabi ni kuya, bakit daw ang layo ng narating ko. Sino daw ung kasama ko. Ano daw ginawa ko Southmall. Bakit daw napunta ako Alabang. Haha. Edi kinwento ko sa kanya. Haha. Echosera si Kuya eh. 


Natawa ako sa comment ni Kuya Driver "Bagay kayo nung kasama mo." 


12:28 AM nung nakauwi na ko. Hintayin ko sana siya makauwi, kaso sobrang antok at pagod na ko kaya nakatulog na ako agad.


T'was a nice movie date indeed. Mauulit pa to hindi ba?



No comments:

Post a Comment